Ang Sulo ng Buhay

Sa’king mga mahal, kapwa Filipino

nawa’y intindihin ang sasabihin ko

Wikang Filipino para sa’kin’t sa’yo

gamitin palagi’t ipagmalaki mo

 

Landas na madilim kaya bang lakbayin?

iyong walang tanglaw, kayhirap lakarin

‘tulad ng sa wikang kung ‘di gagamitin

ang nais sabihi’y ‘di mapararating

 

Ang sulo ng buhay nating mga Pinoy

Wikang Filipino, at hindi ang apoy

gamitin mo ito bilang iyong gabay

upang ‘yong marating ang nais mong buhay

 

Saan mang sitwasyon ay pwedeng gamitin

sa komunikasyon, sa nais sabihin

sa pagpapakita ng iyong damdamin

Wikang Filipino ay may silbi mandin

 

Nagsisilbing ilaw, ang gabay at lakas

itong ating wika ngayon’t hanggang wakas

saan mang larangan ay napakatikas

sa mga hangaring nakamit nang wagas

 

Kaya ako sa’yo kapwa Pilipino

ay nangungusap na’t nagpapatotoo

Wikang Filipino, tatak sa’yong puso

ay magsilbing sulo sa buhay mo mismo.

—-wakas… 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s